Thursday, May 08, 2008
Found this at Aen's blog. Natuwa ako eh, napa reminisce kse ko :)

Let's Talk about the 90s

1. Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design nito ay ang mga palabas sa TV; drama man o anime, may dialogue pa.
- Dahil naka-experience naman ako ng childhood, okay lahat to. Yung mga tex ko yung mga ghost figther tas nagppusta kp ng mga tex pag magpplay ka. Actually bigla nalang naglaho ang mga tex ko, di ko alam san sila napunta at hanggang ngayon di ko pden sila ule nakikita. Yung pog naman, okay lang sha. Merong mamahalin at chipipay na pog, mahal ung mga makapal tas chipipay ung mga manipis na kahit gano mo kalakas tamaan nung pang-tama (di ko na matandaan ung tawag) di pden sha babaliktad. Haha.


2. May comics pa ang Bazooka; kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie sa huli ay collection mo parin yun.
- I liked Bazooka kse parang pang matagalan na gum sha. Oo naaalala ko ung mga comics dun pero parang pare parehas lang ata ung nakasulat, tsaka baduy pa ata ko nun at di nakakaintindi ng mga ganung kung ano anong mga jokes daw.


3. Uso pa yung tirador; yung gawa talaga sa sanga ng puno.
- Di ko na experience to, sa Makati naman po ako lumaki at valid naman po ata reason ko for not experiencing this.

4. Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tag-pipiso bawat isang set sa sari-sari store.
- Madami ata akong paper dolls before, ung iba sa kanila punit punit na ung mga arms. Tas sa kakapalit mo ng clothes nila, ung parang pangsabit nila nasisira na, hahah!

5. Kung lalake ka, siguradong may pellet gun ka.
- Yup, I remembered going home crying kse tinamaan ata ako ng pellet gun ng cousin ko sa mukha. HAHAHA.

6. Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario, Street Fighter at Tetris.
- Ano ba to, ung de-barya? Yung parang mga nasa timezone lang? Di ko gets e.

7. Nagwa-watusi ka kapag New Year kahit pinapagalitan ka ng nanay mo.
- Nakakalason daw yon diba? Hehehe. Matapang ka pa kapag maliit nalang sha tas hawak mo pden. Tas masakit din sha pag natamaan ka. Its packed sa mga foils na iba iba ng color, theyre red and they smell too :)

8. Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag inaapakan mo. Mas sikat kung iba-iba yung kulay.
- Pangbata naman mashado to. Alam ko sa kapanahunan ko mejo ung mga Skechers na sinauna pa ung uso. HAHAHA

9. Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay niyo. Madalas number 23 pa yung nakalagay.
- Uso sha nun pero I think I was cheering for Pacers nun, ewan ko why. Haha. Reggie Miller!

10. Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
- Oo, tatakas pco minsan para lang di matulog ng tanghali. Feeling ko nun ang sama ko pag di ako natutulog ng noon.

11. Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi nilagyan ng alcohol, pero in the end betadine lang ang magpapatahimik sa iyo.
- Di ko ata alam to ah.

12. Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings. (Si Jolina ang nagpauso nito.)
- Usong uso yan. Kahit na hate ko pa si Jolens. HAHA. Ung mga higante or tiny butterflies na gumagalaw ung mga wings. Lahat ng uri ng accessories meron yan eh.

13. Kung medyo may pera ang pamilya mo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
- I still have this cute Polly Pocket na parang lunchbox. You open it up and it has floors ng bahay nila. Yung mga tao pa kun saan saang bahay na napupunta, di mo na alam kung san sila originally nakalagay.

14. Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol, at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
- May iba't ibang kulay ng kisses. Meron blue, purple, pink, yellow, orange etc. True, you put them inside your pencil case tas naka cover sila ng cottons para nga manganak sila. Hmm, hanggang ngayon di ko sure kung nanganganak ba talaga yon. HAHA. Nauto ako.

15. May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
- Parang meron but Im not sure. Alam kong may sticker ung Chupa Chups, meron sila before nung Spice Girls. AHA! Oo nga meron ung Maggi, we still have this cabinet nung bata pa kami na tinadtad lang naman ng mga stickers na kung saan saan nangaling katulad nalang ni Alladin :)

16. Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
- Until now ginagawa ko pden sha. Sarap patunugin eh.

17. Ang mga stationeries na uso: Papelmelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
- Lisa Frank! I had this envelope and folders na puro stationeries tas youd even trade papers with your friends. Kelangan pa nun may envelope, baduy pag wala. Hehe.

18. Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo. Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob, tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
- Meron kaming brick game, kulay green, buhay pa yon di ko nga lang alam kung saan nakalagay. I had a Tamagotchi nung Grade 4, yellow sha and its a watch at the same time. I lost it sa school ata, until now, may Tamagotchi ako. Sosy na sha, Ver 4 na pwedeng laruin sa computer. Haha. Game boy, hmm.. Nung bata kami we used to share it pero I had one na yellow din. FAVORITE ko ang yellow before. Cool ka pag may Game Boy. I super like that water game din, nakakaloko eh, di mo ma-shoot lahat. Heheh

19. Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna ng 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, Dr. Quack-Quack, tumbang preso, pepsi-seven up, at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.
- Jackstone very uso, madalas ka pang mawawalan ng stars :) Meron din nung chinese jackstones na parang mga unan na binabato bato :) Ung mga langit lupa, taguan, dr. quack-guack, pepsi seven up, agawan base, lahat yan nalaro ko sa kalsada. Tipong from one kanto to another talaga. Haha. Kaya mejo nog-nog ako nun bata ako eh, heeh.

20. Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell!" kapag tingin mo nagsisinungaling siya. "Cross my heart, hope to die" naman kapag nangangako ka. "Period, no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na, "Akin yung factory ng pambura."
- BWAHAHA. Nakakatawa na talaga. Very true, isang katutak na period pa actually sasabihin mo. Pag may humirit pa kahit nag period ka na, away na yan. Haha.

21. Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumalaw yun, hanggang sa matapos yung maze.
- Gusto ko ung lata lang eh. Pero naaalala ko yan shempre, hanggang ngayn pag nag vvisit ako sa National Book Store, natutuwa pden ako sa de-pindot na mga pencil case na yan. Haha. Ang kulit, lahat nalang ng sulok may lalabas.

22. Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista.
- Di ko to na experience dahil ever since baduy at nakakadiri na sha. Hahah.

23. Sa coolman mo inilalagay ang tubig na baon mo sa school.
- Yup, I like jugs. Even nung 4th yr hs ako meron pco nyan. Hehe

24. Nagpabili ka ng Baby-G sa magulang mo.
- Yellow ule ang Baby-G ko at di ko na alam kung nasan na to. Napamigay ko na ata.

25. Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
- Grade 6 ata ako nung nauso to. They come in blue and pink lang ata. I remembered one classmate bringing her pager at school tas bilib naman ang lahat.

26. Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
- Im not sure if andun pa un sa alam kong pinagtataguan nya. Kelangan mo pa ng phone card para makatawag dun diba. Ung ichura nun is ung parang pang kayod ng yelo para sa halo halo. Haha. Proud pco pag napapagamit ng tita ko un sakin in public. Haha.

27. Wala pang PS/PS2, Xbox, Wii, atbp noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bata. Usong laro ang Mario Bros, Battle City, at Rambo.
- I like Mario. Sa end ng every stage tatalon sha dun sa may flag pole, pag mataas ung natalunan mo, mataas ung points. Tas meron pa nung pipindot ka then ung price mo is either lives, or ung flower na pampalaki. Haha. Ung battle city naman parang papasabugin mo ung mga bricks to get to somewhere. Heeh.

28. Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game, Tamagochi, Swatch Watch with matching guard, Troll collection.
- Family computer, its red tas ung cartridge nya hihipan mo pag mejo di mabasa ng machine. Im not sure if we had either Sega or Nintendo. Roller blades ang nag-plakda sakin sa kalye. Brick game, Tamagotchi. I didnt have swatch watch pero meron ako nung Flick Flack. Im scared of Trolls. Sabi nila nagigising daw ang mga trolls pag gabi, scary. Haha.


29. Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi." "Anong paki mo sa long hair ko?" "Dahil sa bawal na gamut." "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko."
- Oo naman, who doesnt know those songs diba.

30. Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes, "Zombie" by The Cranberries.
- I know them but they werent my favorites. Haha.

31. Sumasayaw ka ng Macarena.
- Every New Year dito sa street namin, may childrens party. Nung bata kami, lagi nalang kaming may production number at isa po yan sa mga sinayaw namin. Nakakahiya kse wala talaga ko talent sa pagsasayaw at dahil bata pco nun, sige lang ng sige kahit na para talaga akong stick. Haha.

32. Alam mo ang mga kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at cassette tape ka pa nila.
- Oo naman. Pati ung VHS ng spice world meron kme, hahaha. I had spice girls barkada here, ako si Baby Spice kse naccutan ako sa kanya nun haha.

33. Malamang ay naging fanatic ka ng isa sa mga sumikat na boy bands.
- It all started with Backstreet Boys tas the last I liked was Westlife. Proud pcong napanuod ko concert nila sa Araneta, kasagsagan ng UptownGirls :)

34. Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gay ang Eraserheads, Parokya ni Edgar (nung nagpapalda palang sila), Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth, Afterimage, at king anu-ano pang Pinoy bands.
- I liked Harana :) Yun lang ata. Meron pa siguro pero di ko lang matandaan.

35. Tape ang uso, di CD or MP3 Players. Pag gusto mo yung kanga kailangan tantyahin mo kung ilang second i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
- Uso din ung mga record tapes nun, makikinig ka sa isang station tas irrecord mo ung mga kanta na gusto mo. I remembered making recorded tapes for friends pa. Haha. Bwisit na tapes yan!

36. Kinakanta niyo dati sa school ang "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
- Favorite ng CSR yan, jusko po. Lahat nalang ng kanta kung kelangan lagyan ng actions, lalagyan. Haha.

37. Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet, o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.
- "Captain planet, he's the hero" haha! CN pa yan pinapalabas. "Mighty Morphin Power Rangers" ako yung yellow, negra sha dun diba? :) Ninja turtles, di ko ata winatch.

38. Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani, at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sina Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa spaceship o sa Jeep na lumilipad.
- "Tayo na sa sine skwela, tuklasin natin ang siyensha", yeaahh. Galing ng memory. "Hiraya manawari, ating abutin?" Labo haha. Basta lahat yan ABS-CBN. Oks na? :)

39. Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at Goku.
- Crush ko si Eugene. Haha. I didnt watch Dragon Ball kse parang nandidiri ata ako sa kanila nun. Haha.

40. Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song: "Tato ni Ara Mina malaking cobra…", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta…" , "Kontra Bulate!"
- I never watched it pero alam ko ung kanta. Bubble Gang ata nagpauso nyan eh, hahaha!

41. Napanood mo din yung ibang anime tulad ng Shaider, Sailormoon, Daimos, at Maskman. Saulo mo yung kanta dun: "Oh maskuman kayo ang pag-asa. Iligtas kami sa marahas ng kadiliman. Kami'y inyong ipaglaban. Sugod, sugod laban maskuman. Ipaglaban niyo ang katarungan. Sige, sige laban maskuman…"
- Di ako nagwatch nyan, belat :p

42. Sinubaybayan mo ang Sarah ang Munting Prinsesa, Julio at Julia, at Cedi. Pinanood mo pa nga yung movie version ng Sarah ang Munting Prinsesa with Camille Pratts.
- Hanggang ngayon gusto ko pden yang Sarah. Pangit actually ung ginawa nilang modern, cute pden ung luma. Ms. Minchin, peyborit.

43. Alam mo din yung "Ang Pulubi at ang Prinsesa" with Camille Pratts and Angelica Panganiban.
- Sa Cinema One ko na na-watch yan. Nakalimutan ko na ung mga actors pero nakakatuwa naman talga yan mga ganyan pag kiddo ka eh :)

44. Gusto mong sumali sa Ang TV, pero alam mong hindi na pwede kaya kuntento ka nalang sa panonood nito tuwing 4:30 na hapon.
- NGE.. I think un ung sinasabi nila lage. Pero di ko din ata na watch yan.

45. Batibot ang usong palabas. Akala mo nga mag-dyowa o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Sheena.
- PONG PAGONG! Wee. Di ko ata kilala ang mag-dyowa na yan ah.

46. Alam mo yung tono ng pinausong kanta ng show na "ATBP": isa… dalawa-tatlo… apat-lima… anim-pito-walo… siyam-sampu… labingisa-labingdalawa… labingtatlo… labingapat-labinglima…"
- Gusto ko yang song na yan, nakakatawa. Sarap kantahin.

47. Napanood mo ang Batang X.
- Eto ba sila Patrick Garcia? I watched this, Im sure :)

48. Sabay kayo nanonood ng yaya mo ng Marimar.
- Oo naman, lahat ata ng Thalia teleserye. Kabaduyan man pero nanunuod ako ng mga teleserye, haha.

49. Nanonood ka ng kahit alin dito: "Okay Ka Fairy Ko", "Oki Doki Doc", "Abangan ang Susunod na Kabanata", "Palibhasa Lalake", "Ober da Bakod", at "Home Along Da Riles".
- I watched Okay Ka Fairy Ko and Home Along Da Riles. The rest Im not so sure.

50. Galit ka kay Clara kasi sobra naman talaga siya mang-api kay Mara.
- Si Gladys Reyes yan diba, maldita sha very much. Tas si Juday, mukhang siopao! Hahaha.

51. Pinanood mo din yung "Villa Quintana", "Esperanza", "Anakarenina", atbp.
- Esperanza oo I watched it ata. Haha.

52. Mga love teams na nagpakilig sayo: Juday and Wowee, Jolina and Marvin.
- Sila Bobby Andrews, si DingDong Dantes tska si Antonette Taus. Haha. Pero Juday and Wowee pden. Hahaha.

53. Alam mo yung commercial ng Tender Juicy hotdog na ganito: "Dear Diary, Carlo sat beside me today. He's so cute! Sabi niya I'm pretty, kaya lang I'm fat."
- Cute un commercial na un eh, uso sha okay? Lokaret ka kun di mo alam yan commercial na yan.

54. Kinakanta mo yung "I love you Sabadao, pati na rin Linggo…" at "isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy."
- Diba may actions pa yang "isa pa, isa pa, isa pang Chicken Joy"? Haha. Ung I love you Sabado, ewan ko nalang. Pero I know it.

55. Nasa Channel 2 pa ang Eat Bulaga at ang Mel and Jay.
- Di ko alam, wala pcong pkealam sa channels nun.

56. Nakikita mo sa balita na may mga kultong nagtatago na sa kweba, kasi magugunaw na ang mundo sa year 2000, at yung mga computer daw bigla nalang mag-shu-shut down at mawawala na daw ang technology.
- I know about the year 2000 thing pero ung mga kweba, jusko ewan ko kaya. Haha. Millenium bug? Ikaw ba yan?

57. Chinese variety shows ang palabas tuwing umaga ng Linggo.
- Nope, di ko alam.

58. Matapang ka kung napanood mo lahat ng Shake, Rattle, and Roll movies.
- Takut kaya ako sa loob ng cabinet tas dun sa lola na laging multo ung role. Haha. Ung lola na kulang nalang maging hanggang paa ung hair nya tas kulay white pa. Eto ba ung mga UNDIN? Haha. Si Manilyn Reynes ba yun pangalan nya? Haha.

59. Narinig mong i-announce sa radio yung death ni Princess Diana. Biglang nauso yung kanta ni Elton John na "Goodbye, England's Rose."
- Ive seen this sa tv. Di ko sha kilala but when she died, nalungkot ako. Haha.

60. Nasa VHS yung mga movies na pinapanood ninyo sa bahay.
- Madami kaming vhs and until now andito pden sila. Di namin alam pano sila iddispose. Haha.

61. Kung babae ka, naging crush mo si Leonardo di Caprio dahil sa Titanic. Kaya nga lang, bawal ka pa tumingin sa kissing scenes nina Jack at Rose.
- Naging crush ko ba sha? Haha. Di ata.


15:42




abby villa ♥
April 26 87. 21 yrs old. 3rd year, BSN. 5'5" tall, 113lbs. IN LOVE w/ POPO ♥ Brunette, permed, long hair, brown eyes, w/ retainers.

find me ♥
multiply: ♥ ♥ ♥
friendster: ♥ ♥ ♥


friends ♥
aen @ aen speaks
conch @ i bite
dina @ dinalopez.mstgtout
henzel @ mytoastieoutlet
indy @ an obsession
lux @ just good vibes
mow @ strings of life
steph @ heartcaptured


tagboard ♥



credits ♥
codes: hosted-scripts
counter: fastwebcounter
bloghost: blogger
music: flashfetish
pichost: photobucket
tagboard: cbox.ws


passers by ♥
online visitor

melbourne handyman


Locations of visitors to this page


music player ♥





calendar&&clock ♥



abby's wishlist
Belomed Gift card >>
FINO handbag >>
Perfumes >>
Watch >>